<body> <body bgcolor=#FFFFFF>

Thursday, December 09, 2004

 

Nagwelga ang mga guro

Mukha atang nagwelga ang mga guro sa Ateneo kanina. Tatlo dapat ang klase ko ngayong araw na ito, ngunit kahit isa sa tatlong propesor ko ngayong araw na ito ay di sumulpot.
Una ay si Dr. Asis para sa Teolohiya. Aba, sampung minuto na ang lumipas bago biglang tumayo ang aming "beadle" para sabihin sa amin na pinapasabi ni Dr. Asis na di siya makakarating. Pero di rin kami nakaalis ng maaga. Nagbigay siya ng gawaing pang-grupo. Inatasan niya pala kaming basahin ang tekstong The Road Less Travelled, at doon ko lang ito nalaman. Buti na lang at nabasa na namin ito nung nakaraang semestre sa klase ni Fr. Dacanay, kaya di ako namroblema kanina. Pero, ang hirap nga lang dito, alam ng isa kong ka-grupo na umulit ako ng teolohiya. Bigla niya akong tinanong, "Edlyn, nabasa mo na ba ito?" Siyempre, sinabi kong oo. Bigla naman siyang tumingin sa mga ka-grupo namin. "Ok, let's all huddle or 'hurdle' around Edlyn." Hurdle? Ano yun? Tatalunan nila ako?
1:30. Dapat VMM. Inaantok ako nang umakyat ako sa Gonzaga para maghintay sa klase namin. Maaga kasi akong dumating. Pinag-isipan ko pa ngang di na lang pumasok dahil siguradong patay na naman ako sa klaseng iyon. Pero di rin ako umalis sa pwesto ko dun. Basta naupo ako sa bandang harap ng Fine Arts Dept, at halos makatulog na dun. Nagdadasal na sana di pa ngayon ang scene study. Ayan, dumating na sina Nana at Jake. Sabi ni Nana, akyat raw kami. Wala raw si Dexter, pero may attendance pa rin, at may ibibigay siyang galing kay Dexter. Isang papel kung saan nakasulat ang kailangan namin para sa susunod na linggo. Naku...kailangan naming magmemorya ng isang monologue para sa Martes. Tapos, sa Huwebes ang scene study tungkol sa pinakakinatatakutan namin. At sa Biyernes naman, kailangan naming magpasa ng papel tungkol sa isang dulang napanood namin. Hay naku...
Wala na kaming ginawa pagkatapos nun. Tumambay lang kami nina Cerz, Ina at Victor sa Dance Hall, nag-kwentuhan. Tapos, bumaba na kami para magpa-Xerox ng aming mga sanaysay para sa Nonfiction.
3:00. Nonfiction. Di na kami umaasa na mawawalan ng klase doon. Lagi na lang na akala namin di na siya dadating, pero bigla siyang dumadating bago matapos ang labinlimang minutong palugit. Pero kanina, aba, 3:15 na, wala pa siya. Tapos, bigla siyang nag-text. Wala raw klase.
Ang saya 'no? Bale, pwede pa lang di na lang ako pumasok. Tutal naman, sa Teolohiya, di kinuha ang attendance. Sa VMM naman...hmm...madali na yun.


Comments: Post a Comment

[ the puzzled one ]

    Just another puzzle with
    its pieces still missing.

[ the pieces of my puzzle ]

[ the finished puzzles ]

September 2004 October 2004 November 2004 December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 March 2007 May 2007 June 2007 February 2013 March 2013

[ solve the puzzle ]



Blogskin Designed by: EcNeRaLx Design.. Visit my blog at www.lifepeek.blogspot.com and look at more of my skins at www.blogskins.com.. my username is ecneralx.. thanz a lot!! Enjoy this blogskin!! Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com