Naku! Salamat sa Diyos! Tapos na ang aming pag-uulat sa Teolohiya, at naka-B+ pa kami!
Talagang ninerbiyos ako sa pag-uulat na iyon. Paano ba naman, noong isang linggo lang talaga namin inumpisahang asikasuhin ang papel at ang gagamitin namin sa pag-uulat. Dati pa kami kumalap ng mga inpormasyon tungkol sa issue ng masturbation, pero nung isang linggo lang namin siya inumpisahang ayusin. Siyempre, ayun pang mga ka-grupo ko, magkakabarkada sila, at parang minsan nakakalimutan nilang may iba pa silang mga ka-grupo. Ang dami ring naging problema noong mga nakaraang mga araw. Una, nagreklamo si Dr. Asis tungkol sa Ching Tan Room, kung saan namin ginawa ang pag-uulat, kasi raw ang pangit ng sound system. Ayaw niya yung lugar na yun. Tapos, wala pa kaming computer. Nanghiram na nga lang ako kay Jace, kaya salamat talaga sayo, Jace. Iniligtas mo ang grupo namin!
Medyo masama pa ang umpisa ng araw na 'to para sa akin. Nag-away kami ng nanay ko, di ko na sasabihin ang dahilan, kasi, tulad sa iba naming mga away, wala namang kwenta ang rason. Basta, nag-away kami ng nanay ko. Tapos, pagdating ko sa Ateneo, wala akong mahanap na bukas na photocopying service. Tapos, wala pa mga ka-grupo ko. Eh sabi nila 7:30 raw kami magkikita-kita. 8:15 sila nagdatingan. Naiwan ko pa naman cellphone ko sa bahay, kaya di ko sila matext. Tapos, ang LCD projector pa namin, walang kwenta. Pumipitik-pitik ang screen.
Buti na lang nagustuhan ng propesor namin ang pag-uulat namin. At mukha namang natatawa ang mga kaklase namin. Kahit nga si Dr. Asis, tumatawa sa ibang mga pakulo ni Andy, isa sa mga ka-grupo ko. At kahit ako, di naman ganun kasama. At least, nasagot ko ang mga tanong ni Dr. Asis, at nagustuhan naman niya ang mga sagot ko. Kaya, Fr. Dacanay, kahit ibinagsak mo ko, salamat sayo sa pagturo mo sa akin ng fundamental option!
Laki talaga ng tuwa ko ng sabihin sa amin, "Very well-done research. That's a 3.5." B+ kami!!! Sulit na ang pagkagalit ng ibang mga tao sa amin dahil sa survey na binigay namin.
# Lyn found a missing piece @ 1:32 PM