<body> <body bgcolor=#FFFFFF>

Sunday, January 16, 2005

 

Lagot na.

Patay na ako. Ang dami kong kailangang gawin na hindi ko pa nagagawa. Bukas, kailangan kong ipasa ang papel ko para sa klase ni Bernal tungkol sa pelikulang White. Eh hindi ko nga gaanong naintindihan ang pelikula, at wala ako masyadong mahanap sa internet tungkol dun. Yung ibang mga websites pa tungkol dun nakasulat sa French. May nakita akong nakasulat na ang puti raw ay simbolo ng pagkapantay-pantay sa bandera ng France. Hindi ko naman makita ang tema ng pagkapantay-pantay sa pelikula. Tapos, dahil Film & Design ang klase na yun, kailangan tungkol sa design ng pelikula ang isusulat namin. Eh wala nga halos na puti sa pelikula eh! Pano na yun?!?
Tapos, may kailangan kaming basahin para sa Pilosopiya. Siyempre, nakalimutan ko na naman basahin kahapon, kaya ihahabol ko rin ngayon yun.
Ang pinakanakakanerbiyos pa ay ang teolohiya. Sa Huwebes na ang reporting namin. May iniwan si Mel na mga surveys sa library na kailangan naming ipasagot sa 20 na lalaki at 20 na babae. Ang masaklap dun ay, sa katangahan ko, nakalimutan kong kunin nung Biyernes. Nalaman ko na si Diana ay nasa library nun, kaya pinapakikuha ko na lang sa kanya. Pumayag naman, at mukhang gustong may magawa nung araw na yun. Kaya nga lang, nakalimutan niyang idaan sa bahay ko nung pauwi siya. Di rin niya nadaan sa akin kahapon. Sabi niya i-eemail na lang niya, pero di pa rin niya naeemail. Patay na ako. Bukas ko sinabing ibibigay ko yung mga surveys kay Mel.
Buti na lang naisulat at naipadala ko na kahapon ang mga nakalap ko sa libro ni Philip Keane tungkol sa report namin. Hindi ko na siya kailangang ihabol ngayon. Pero kailangan ko talaga ang mga survey na yun!

Comments: Post a Comment

[ the puzzled one ]

    Just another puzzle with
    its pieces still missing.

[ the pieces of my puzzle ]

[ the finished puzzles ]

September 2004 October 2004 November 2004 December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 March 2007 May 2007 June 2007 February 2013 March 2013

[ solve the puzzle ]



Blogskin Designed by: EcNeRaLx Design.. Visit my blog at www.lifepeek.blogspot.com and look at more of my skins at www.blogskins.com.. my username is ecneralx.. thanz a lot!! Enjoy this blogskin!! Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com