Sa Biyernes naman ang araw ng pagrehistro ng mga nasa ikaapat nilang taon sa kolehiyo. Oo nga pala, kaarawan rin yun ni Jay. Ayan! Di na namin makakalimutan!
89 ang nakuha kong numero sa pagrehistro. Sana makuha ko mga klaseng gusto ko. Pinaplano naming bumalik muli sa klase ni G. de Jesus sa Pilosopiya. Haha...di kaya siya atakihin sa puso pag nakita niya na naman ang mga malikhaing manunulat sa kanyang klase? Di pa ako sigurado sa Teolohiya at Kasaysayan. Baka si Acevedo o Tejido sa Teolohiya, tapos si Madrona o Gealogo sa Kasaysayan. Tignan na lang natin.
Haaaaaaay. Sana bukas di na ako sunduin para pumunta sa tindahan namin pagkatapos ko kunin grado ko. Gusto ko naman maranasan sana ang bakasyon ko...kahit isang araw lang. Isang araw man lang, gusto kong nasa bahay lang, walang kailangang puntahan, walang kailangang gawin. Hindi kasama dun ang mga paglabas-labas, kahit na gaano kasaya. Basta nasa bahay lang. Namamahinga. Kasi, simula nang natapos ang klase, di na ako nagkaganoong araw na sarili ko lang ang iniintindi at kinakausap ko. Siyempre, kahit sino naman siguro, kailangan ng panahon para makapag-isa (tama ba?).
Hmm. Nakalimutan ko na rin kung gaano kasaya ang magsulat sa Pilipino. Ewan ko kung tama ang pagsulat ko. Pero sino bang may paki?
[ the puzzled one ]

Just another puzzle with
its pieces still missing.
[ the pieces of my puzzle ]
[ the finished puzzles ]
September 2004 October 2004 November 2004 December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 March 2007 May 2007 June 2007 February 2013 March 2013
[ solve the puzzle ]