MWF:
8:30-9:30 Philosophy 103 -- O -- Bel 210 -- De Jesus, Miguel
1:30-2:30 Theology 141 -- N -- CTC 103 -- Tejido, Manuel
4:30-7:30 Poetry -- A -- G207 -- Ypil, Lawrence
TTH:
10:30-12:00 Practicum I -- A -- G 306 -- Maramara, Melissa
3:00-4:30 History 166 -- E/F -- CTC 105 -- Totanes, Stephen
Hmm. Nakuha ko naman yung klaseng plano ko talagang kunin sa Pilosopiya. Ang labo nga, kasi bago pa nakapasok si Yumi sa computer room, sinabi nilang sarado na raw ang Section O. Tapos, maya-maya, tinawagan ako ni Yumi para sabihin sa aking nakapasok siya sa klaseng iyon. 25 pa raw natitira sa klaseng iyon. Nung ako na ang nagpaparehistro, akala ko ay wala na talaga. Pero nung tinignan ko, aba! May isa pa! Ayun, ako yung huling nailista sa klaseng iyon. Kaklase ko uli si Jay. At siyempre, si Yumi. Si Jace at Cerz ay nasa klase rin ni De Jesus, pero Philosophy 104 ang kinuha nila.
Sa Teolohiya naman, di ko kilala ang nakuha kong guro. Iba ang iba ang narinig ko tungkol sa kanya. Yung iba, sabi ok raw siya. Yung iba naman, nakakatakot raw siya. Sabi rin nila, nagpapa-salin sa Tagalog ng isang Latin na artikulo. Ah...buti na lang kasama ko si Darls dito. Di nga yun sinadya. Nagkataong pareho napili naming klase. Buti na lang kasi ngayon ang immersion. Gusto kong may kasama ako dun.
Sa Kasaysayan, di ko rin kilala nakuha ko. Si Totanes. Ewan ko kung sino siya. Basta yun na lang nasabi ko dun sa nagrerehistro sa akin. Kasama ko dito si Ina.
Di naman ako nagka-problema sa mga klase ko sa Fine Arts. Kasama ko sina Yumi at Ina sa Poetry. Sa Practicum naman, kasama ko mga ka-bloke ko.
Haaaaay. Buti na lang tapos na ang pagrehistro. Sana ibalik nila ang dating sistemang first-come, first-serve. Mas sang-ayon sa akin yung sistema na yon. Di tulad nitong maaga ka nga sa Ateneo, tagal mo namang maghihintay.
[ the puzzled one ]

Just another puzzle with
its pieces still missing.
[ the pieces of my puzzle ]
[ the finished puzzles ]
September 2004 October 2004 November 2004 December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 March 2007 May 2007 June 2007 February 2013 March 2013
[ solve the puzzle ]