Ikalawang araw ng OrSem. Ok naman siya. Mas ok siya kaysa kahapon ng di hamak. Maulan nga lang at kinailangan naming bumuo ng payong brigades bawat oras na mag mob in at out ang mga freshmen. Para raw di sila mabasa. Ok lang raw kung mabasa kami, wag lang sila. Heh. Coz our priority is the comfort...and dryness (dagdag ni Yumi)...of the freshies. Heh, narinig ako ni Paton nung sinabi ko 'to. Story of my life nga ba.
Pero kahit naman yung payong brigade masaya naman eh. Tawanan lang kami dun ng tawanan habang sinusubukan naming payungan kahit ang mga napakatangkad na freshmen. At di na ako naubusan ng boses sa kakasigaw ng "Freshmen, mooooooooooooooob!" Ewan ko kung bakit...basta mas madali na sumigaw. At medyo mas mabilis na sila magsigalaw. Tumatakbo naman ang karamihan pag sinabihan silang tumakbo. Siyempre, may iba pa ring nagiinarte, pero mas konti na sila.
Mas maayos na rin ang pagpasa ng pagkain sa mga tao. Di na namin kinailangang hagilapin isa isa ang mga TNTs at SecMobs para ibigay sa kanila ang pagkain nila. Bahala na mga pinuno nila para ibigay sa kanila ang pagkain nila. Ok naman ang pagkain. Beef teriyaki. At mas marami nang nagtapon at nagsegregate ng pinagkainan nila. Siyempre, meron pa ring mga pasaway na ikinalat na lang ang pagkain nila sa inuupuan nila. Pero, mas konti na rin sila, at mas mabilis na naming nalinis ang covered courts. Mas maaga na kaming nakauwi ngayon. 6:30 natapos kami.
Sana bukas mas marami pang mga improvements. Kaya lang, gabi na kami makakauwi bukas. OrSem Night kasi. Tapos, may basaan pa raw pag-alis ng mga freshies. Naku...pag may bumasa sa akin, babarilin ko sila!
# Lyn found a missing piece @ 7:16 PM