Bwiiiiiiiiiiiiiseeeeeeeeeeeet! Nag-screen saver bigla ang aking computer, at nabura lahat ng sinulat ko!!!!!!!!!!!! Ulit. Ulit.
Tapos na ang OrSem, sa wakas. Biyernes na ngayon, at wala ako sa Ateneo. Tapos na ang pagsigaw ng "Freshmen, MOOOOOOOOOOOOOOOOOB!", ang pagdistribute ng pagkain at C2, ang pagpupulot at pagsesegregate ng basura, at ang pag-aayos ng gate. Tapos na ang walang katapusang pagtayo at pagsunod sa utos. Tapos na ang pagpapayong sa mga ayaw naman magsitakbo na mga freshmen.
Mukhang pagod na pagod na rin ang mga kasama kong volunteers kahapon. Ang dami sa kanilang wala nang boses sa kakasigaw nung mga nakaraang araw (pero kung iisipin mo, si Roman ay wala naman talagang boses na kahit nung unang araw! :P). Nilagnat si Diane at kinailangang matulog sa likod ng First Aid Station. Halos di na kami makatayo pagkatapos ng food at C2 distribution (mas mabigat pa ata sa amin ang mga kahon ng C2 na yon!) at nalipasan na kami ng gutom nang magkaroon na kami sa wakas ng panahong kumain ng tanghalian (ayan, kasi, di nag-aalmusal!)
Pero ok rin naman siya. Oo, nagmukhang Smokey Mountain ang covered courts pagkatapos ng panganghalian ng mga freshmen, pero mas madali na namin nalinis kasi hinakot na namin ang mga upuan pagkaalis nila. Di na namin kinailangang dumaan sa obstacle course para magpulot ng mga styrofoam, bote at plastic, at mga nakalat na mga product samples. At siyempre, nandyan sa Manong High Tech, kasama ang kanyang dust blower. Di na namin kinailangang pulutin isa isa ang mga "others" dahil si Manong High Tech at ang dust blower na ang bahala. Kadiri pa ring ang pagsegregate ng basura. Nakakapanghinayang talagang tignan ang mga food waste trash bags. Ang daming nasayang na pagkain. Maiisip mo talaga ang napakaraming mga taong pwede pa sana makakain sa mga natirang pagkain na yun. Medyo nakaka-guilty.
Nakakairita nga lang ang isang Marketing Head. Ang dami niyang utos sa mga cov courts volunteers, mga last-minute pa ("Can you please do this in five minutes?"), eh kita na nga niyang sobrang dami naming hinahakot na mga basura. Mga pwede naman nilang gawin, tulad ng pag hakot ng upuan nila at pagkuha ng sarili nilang hapunan, pero ayaw raw nilang gawin. Waw...ano kala niyo sa amin, mga katulong niyo?
Pero masaya ang OrSem Night. Inutusan kami ni Patton na magbantay ng gate para pigilan ang mga freshmen na gustong lumabas ng covered courts bago matapos ang OrSem. Nung una, akala namin magiging boring siya kasi nakatayo lang dun, at nung una, medyo pakiramdam namin ala kaming silbi dun kasi andun na si Emman, Dino at Lawrence (ang parehong Lawrence na inantok akong kausapin nung Poveda-Xavier Interaction nung high school). Pero naging masaya rin siya. Ang sarap talagang awayin ang mga freshies! Haha, ang sama. Ang dami kasing mga daming palusot eh. O sige, siguro di naman palusot, gusto lang talaga nilang ilagay mga bag nila sa mga kotse nila. Mabigat raw kasi. Haha...mga pare, ala yan sa bigat ng mga kahon ng C2 na hinakot namin para sa inyo.
May isang freshman na nang-uuto pa. Ilalagay raw niya bag niya sa kotse. Sabi namin, di talaga pwede. Nagmakaawa siya, mabigat raw. Sabi namin, dalawang oras na lang naman, kaya na niya yun buhatin. Umupo na lang siya at ibaba ang bag niya. Nagpumilit pa rin. Iiwan raw niya wallet niya para makasiguro kaming babalik siya. Sabi ni Rochelle, oo, kami makakasigurong babalik siya, pero siya di makakasigurong ibabalik namin ang wallet sa kanya. Sabi namin, pagnagvolunteer siya sa OrSem next year, maiintindihan rin niya. Sabi naman niya, maaawa raw siya at palalabasin ang freshmen. Sabi ko, wala kaming awa. Sabi niya, paano raw kung bumili siya ng OrSem shirt at magpanggap na TNT o volunteer. Sabi namin, sorry, tsong, kilala na namin mukha mo. Mga sampung minuto siguro niya kaming dinaldal, habang unti-unting palapit nang palapit sa gate. Hanggang sa binara namin nina Yumi, Jace at Rochelle ang gate. Ay naku, pare, alam na namin ang ganyang gimik. Di na uubra sa amin yan!
Ang dami na ring nakaabang sa gate ng palapit na ang 8 pm. Nang patapos na si Francis Magalona sa stage, nakabantay na kami ni Paco sa main gate, halos maipit na dun ng mga nagdadagsaang mga freshmen na atat nang umuwi. Andon si Floppy Haired Creative Writing Major, gustong gusto nang manigarilyo. Nang sinabi namin ni Paco na sa Smocket Gardens lang pwede manigarilyo, nagkunwari siyang sisindihin na ang sigarilyo. Tinaasan ko ng kilay at sinabihang, "Sige, subukan mo." Di pa naguumpisa ang klase, sa ADSA na bagsak mo. At may koneksyon kami kay Xander, bwahahahha!
Medyo ninerbyos kami sa dami nilang nasa harap namin. Sabi ko kay Paco, "Patay tayo pagbukas ng gate na 'to. Dudumugin tayo!" Eh narinig ako ng mga nasa harap. Sabi ni Floppy hair, "Hala! Lagot na ang mga TNTs!" Sabay tawa. Pare, di po kami TNTs. Hehe. Hayun na nga, nang buksan namin sa wakas ang gate, kumaripas ako ng takbo papunta sa likod ng gate habang nagdagsaan palabas ang mga preso.
Haaaaaaaaay tapos na rin. Mga isang oras pa bago ako umuwi. Pinapirma muna namin ang mga nametags namin sa mga kasamahan naming mga volunteers. Salamat sa kanila Diane, Patton, Yumi, Paolo, Roman, Carlo, Paco, Tracy, Liz, Lawrence, Rochelle, at kung sinuman ang nakalimutan ko. Di ko na naabutan ung basaan. Pano naman kasi, ang tagal magmeeting ng OrCom. 9:30 na, di pa rin nagsisimula. Kaya ayun, hinayaan ko na silang magbasaan dun.
Dibale, Subic na mamaya! Sayang di makakasama si Jihan at Kim. Sana maayos naman lagay ng tatay mo. Sana makahabol si Jing. Sana, kung tatlo man kaming matira nina Yumi at Cerz, mag-enjoy pa rin sila. Sana di umulan masyado!!!
# Lyn found a missing piece @ 8:28 AM