<body> <body bgcolor=#FFFFFF>

Sunday, June 05, 2005

 

Tong-its

Nag-k-kuwentuhan kami kanina ng pamilya ko sa kotse habang pauwi. Tungkol sa paglalaro namin ng tong-its sa Subic kahapon nina Ina (Abesamis) at Tito Tony. Medyo nagparinig kanina ang tatay ko, kesyo raw nung buhay pa lolo niya, pag makita raw silang naglalaro ng cards, halos ipakain sa kanila ito. Alam ko naman dati pa na di-sang-ayon ang tatay ko sa larong ito. Pero kanina, nakipag-debate ako sa kanya tungkol dito, at kumampi naman sa akin ang ate at nanay ko.

Ano nga ba talaga ang nagpasama sa paglalaro ng tong-its, pusoy dos at mga larong ganito? Tignan mo ang UNO. Diba wala namang problema ang mga tao sa paglalaro ng UNO? Eh ano ba ang ipinag-iba ng tong-its at pusoy dos sa UNO, gayong pareho namang mga card games ito? Dahil ba makulay ang UNO cards at mukhang pambata kaya mas tanggap ito ng nakararami? Eh ang paglalaro ba ng chess? Diba tanggap rin siya ng mga tao? Ano pagkakaiba niya?

Kung iisipin mo, wala naman talagang ipinag-iba ang mga ito. Pare-pareho silang mga larong pampalipas ng oras. Masayang gawin kasama ng mga kaibigan, rason para magtawanan, magkaroon ng "healthy competition" kung baga. Wala naman talagang masama sa paglalaro ng mga ito. Kung isipin mo nga, tinutulungan ka pa nitong mag-isip.

Eh bakit ang sama ng tingin ng karamihan dito? Kasi sa mga tambay sa kalye, mga sugarol, mga wala nang ginawa kung hindi maglaro nito araw at gabi. Tulad ng dating asawa ng tito ko na masyadong nalulon sa panunugal. Hanggang sa nagsusugal siya hanggang madaling araw at napapabayaan na ang kanyang mga anak. Hanggang sa ginagamit na niya ang anak niya para lang makakuha ng pera sa tito ko para sa paglalaro ng tong-its.

Pero ibang kwento na yun. Ang punto ko lang ay hindi ang larong tong-its o pusoy dos ang masama. Ang paraan at paglabag sa limitasyon ng paglalaro nito ang nagpapasama dito. Hindi masama ang maglaro nito para palipasin ang oras. Ang masama ay kapag hinayaan mo itong maging buong buhay mo kontrolin ang buhay mo. Ang masama ay kung makalimutan mo ang mas importante sa buhay mo dahil dito.

Comments: Post a Comment

[ the puzzled one ]

    Just another puzzle with
    its pieces still missing.

[ the pieces of my puzzle ]

[ the finished puzzles ]

September 2004 October 2004 November 2004 December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 March 2007 May 2007 June 2007 February 2013 March 2013

[ solve the puzzle ]



Blogskin Designed by: EcNeRaLx Design.. Visit my blog at www.lifepeek.blogspot.com and look at more of my skins at www.blogskins.com.. my username is ecneralx.. thanz a lot!! Enjoy this blogskin!! Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com