<body> <body bgcolor=#FFFFFF>

Wednesday, February 01, 2006

 

Kaewanan ng buhay

Ay nako...ang kaewanan nga naman ng umagang ito.

Una ang teolohiya. Walang hiya yung eksamen na yun. Mabibilang sa isang kamay ko kung ilan dun sa mga tanong ang pamilyar sa akin. Sa huling parte ng eksamen, iisa lang ang medyo alam ko ang sagot...hinula ko pa yun. Eh nag-aral ka ba naman, Edlyn? Oo naman, nag-aral naman ako. Marami ang nakakita sa akin kahapon na inaaral ang libro ko sa teolohiya. Pero ano?! Ano ang nangyari?!? Bakit nagkaganoon?!? Parang ayaw ko atang makita ang resulta ng eksamen na yun. Patay na ako sa teolohiya. Medyo tagilid ata ako dun. Nakakatawa, kasi noong nakalipas na semestre, sa teolohiya ako pinakamataas, kahit gusto kong patayin ang propesor ko noon. Ngayon, mukhang babagsak ata ako.

Sumunod naman ang pilosopiya. Ah ewan. Dapat di na ako pumasok. Wala namang ginawang matino...di nga ata nakakuha ng attendance ang propesor naming magaling. Inumpisahan niya ang klase (klase? anong klase?) sa pamamagitan ng pagsabi na mukhang di namin matatapos ang artikulo ni Kant. Aba...sa buong 50 minutos ng klase, wala siyang nabanggit tungkol sa artikulo ni Kant. Nagbigay lang siya sa amin ng mga malalabong payo tungkol sa buhay at sa mga relasyon. At paulit-ulit nyang sinasabi na wag raw kaming pumasok ng law school. Katulad ng dati niyang mga payo. Siyempre, ginagatungan pa ng dalawang papansin kong mga kaklase. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi para patuloy magkwento ang propesor. Oo, nakakatawa talaga yung diskusyon, pero sana natulog na lang ako sa halip ng pamimilit na matapos ang artikulo kagabi, diba? O sana, sa teolohiya na lang talaga ako nag-aral. Hahah ang buhay nga naman...

Tapos, siyempre, may eksamen uli ako mamaya. Sa Iconography, na wala akong notes. Konti lang nahanap ko tungkol sa mga pinag-usapan namin sa CD na binigay ni Fr. Javellana. Patay na naman ako mamaya.

Edlyn, g-graduate ka na sa Marso, diba?

Sana.

Comments: Post a Comment

[ the puzzled one ]

    Just another puzzle with
    its pieces still missing.

[ the pieces of my puzzle ]

[ the finished puzzles ]

September 2004 October 2004 November 2004 December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 March 2007 May 2007 June 2007 February 2013 March 2013

[ solve the puzzle ]



Blogskin Designed by: EcNeRaLx Design.. Visit my blog at www.lifepeek.blogspot.com and look at more of my skins at www.blogskins.com.. my username is ecneralx.. thanz a lot!! Enjoy this blogskin!! Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com