<body> <body bgcolor=#FFFFFF>

Friday, March 31, 2006

 

Pasok!

Ayun. Tumawag na ang Funworks. Ibinalita sa amin ni Quincy ang tungkol sa tawag sa kanya ng mga taga-Funworks. Pasok raw kami nina Yumi! Di lang ako sigurado kung sigurado na ito, pero may orientation raw kami sa susunod na linggo, tapos pinapupunta kami bukas sa SM North para mag-obserba ng palabas sa Activity Center. Sana nga totoo na. Kahit di pa ako nagpapaalam sa tatay ko. Heh.

Nakakatawa. Nandun ako nun sa opisina ng nanay ko. Inaayos namin ang mga sweldo ng mga tao nang bigla na lang tumunog ang telepono ko. Ayun na nga, tinawagan na nga raw si Quincy. Sabihin na lamang natin na bago ng mensaheng iyon, medyo...mabigat...ang pakiramdam ko. Malamang ay dahil sa tawag ni Diana, ewan ko na lang. Pero nang nakuha ko yung balitang iyon, parang naramdaman kong biglang nawala ang paninikip sa dibdib ko.

Ang sarap tuloy mamilosopiya bigla. Heh. Naisip ko ang artikulo ni...Marcel ba yun? Yung artikulo sa "Hope". Kahit di ko siya nabasa ng kumpleto hehe.

Comments: Post a Comment

[ the puzzled one ]

    Just another puzzle with
    its pieces still missing.

[ the pieces of my puzzle ]

[ the finished puzzles ]

September 2004 October 2004 November 2004 December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 March 2007 May 2007 June 2007 February 2013 March 2013

[ solve the puzzle ]



Blogskin Designed by: EcNeRaLx Design.. Visit my blog at www.lifepeek.blogspot.com and look at more of my skins at www.blogskins.com.. my username is ecneralx.. thanz a lot!! Enjoy this blogskin!! Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com