<body> <body bgcolor=#FFFFFF>

Sunday, June 11, 2006

 

Objection!

May dalawang bagong termino akong natutunan ngayon. Stare desisis -- a principle that states that when a conclusion has been made on one case, it would be considered applicable to subsequent cases that are substantially similar to the first case. At Res Judicata -- bar by prior judgement. Naks. Haha ang galing mo, Edlyn! Buong hapon nag-aral, pero dalawang bahagi pa lang ng syllabus ang nagagawa!

Ikaw kaya magbasa nung mga sandakmak na kasong nasa kwarto ko?

Hahaha, walang pumapasok sa utak ko. Wala na raw lugar, masyadong masikip na. Pero, hindi! Kung masikip na, bakit lahat ng binasa ko ay umiikot sa utak ko ngayon? Parang halo-halong di na mawarian. Paano pa sila makakaikot kung wala ng lugar?!?

Nabaliw na ata ako. Pero mga lima o anim na kaso pa lang nababasa ko. Ano pa kaya pag nakaabot na ako ng limampu? Siguro naglulupasay na ako sa kabaliwan noon.

Ang gulo na nga ng kwarto ko. Puno na ng mga papel, libro at iba pang gamit ang kama ko. Nang tinamaan ako ng antok, wala na akong makitang lugar sa kama, kaya humiga na lang ako sa sahig. Basta dumapa na lang ako dun. Buti na lang di ako nakita ni manang, baka isipin na hinimatay ako. Haha.

Haaay. Sige, balik na...tignan natin kung makakasagap muli ng ilan pang bagong termino.

Comments:
haha. kasi malaking pera ang katapat niyan pag nakakuha ka ng land. as in. lalo na pag mahal yung lupa. pag napunta sa'yo yon, ibenta mo lang yon, instant milyonaryo ka na.


kaya masarap magpakasal sa mayaman. pag nauna siyang mamatay sayo, kalahati non mapupunta sayo. haha at yung isang part nung kabilang kalati, sayo din. o diba? mooolah.
 
pero kasi, ang sabi nga ng prof namin...minsan mas mabuti nang pakawalan mo na, kasi ang mahal ng bayad sa lawyer...halos milyon na rin un. mangyayari, parang nawalan ka na rin ng pera hahahah :P

ay nako, yumi, napaghahalata ka LOL
 
may mga lawyer na 1% lang from the value ng land ang hinihingi. so malaki parin ang makukuha mo. hahaha




hahahha. experience.
 
wow...someone did her homework LOL
 
haha... kunwari. feeling homework.
 
Post a Comment

[ the puzzled one ]

    Just another puzzle with
    its pieces still missing.

[ the pieces of my puzzle ]

[ the finished puzzles ]

September 2004 October 2004 November 2004 December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 March 2007 May 2007 June 2007 February 2013 March 2013

[ solve the puzzle ]



Blogskin Designed by: EcNeRaLx Design.. Visit my blog at www.lifepeek.blogspot.com and look at more of my skins at www.blogskins.com.. my username is ecneralx.. thanz a lot!! Enjoy this blogskin!! Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com