<body> <body bgcolor=#FFFFFF>

Wednesday, September 06, 2006

 

Bingo!

May utang na ice cream si Charles sa akin. Na-bingo ako ngayon. Dalawang klase lang kami ngayon--Konstitusyonal na Batas (?) at Pilosopiya ng Batas. Sa parehong klase, natawag ako. Bingo! Heh.

Nadale na naman ako sa Consti. Alam kong "on deck" ako kanina, kaya ninerbyos na naman ako. Yung ibang sagot niya nasagot ko pa. Bakit importante ang "security of tenure" ng mga judges. Sa totoo lang, sinabi ko lang mga unang lumabas sa utak ko. Pero tinanggap naman ni Fr. B. Salamat nga pala rin, Red, sa tulong. Hehe. Pero, ayan na. Alam ko nang itatanong iyon sa akin. Kaso ni Dela Llana--kung sinuman siya. Kamalas-malasan ko, iyon ang kasong di ko nabasa--di kasi siya naisama sa digest compilation ng grupo namin. Nung sinubukan ko namang basahin ung sa libro, di ko maintindihan. Pinagtanong ko bago ng klase, pero di ko pa rin naintindihan. Eh malas ko, yun ang kasong bumagsak sa akin. Puro katangahan tuloy ang mga nasagot ko.

Sa Pilosopiya naman, di mo malalaman kung matatawag ka ng araw na iyon o hindi. Wala kasi siyang sinusundan na "pattern". Basta, bigla ka na lang mabubulaga. Tagal ko na ngang iniisip na tatawagin ako. Mula pa kasi mag-umpisa ang semestreng ito, isang beses pa lang ako natawag. Ayun na nga, natawag nga ako! Ipaliwanag ko raw ang "radical will for the good". Sa reaksyon ng klase, naisip ko na dapat madali ung tanong na iyon. Naku--kailangan masagot ko iyon, kung hindi pahiya na naman ako. Kaya kung anu-ano na lang ang sinabi ko. Basta nagtanong pa siya, sagot naman ako, kahit di ako sigurado sa pinagsasabi ko. Tapos, tingin ng diretso sa kanya--kunwari alam ko ang pinagsasabi ko. Sa totoo lang, nasa likod ko ang mga kamay ko, unti unti kong binubutasan ang braso ko gamit ng mga kuko ko sa kabilang kamay. Hehe. Ewan ko lang tumalab ang pambobola ko. Di mo mawarian kung ano ang iniisip ni Atty. Villareal habang dahan-dahan ka niyang iniihaw ng buhay sa harap ng mga kaklase mo. Sana nga tama si Raffy. Kailangan ko talaga ng pang-hatak ko sa grado ko.

Hay. Tapos na yun. Bagong araw uli bukas. Bagong taon sa buhay ko. Tatlong oras na lang, tatanda na naman ako. Oo...ng isang araw. Hehe.

*Di na ata ako marunong managalog. Kung mabasa ito ni G. Tejido, malamang bubudburan niya ito ng pulang marka. Ay lapis nga pala ginagamit niya. Labo.

Comments:
Marahil hindi lamang nagtugma ang tadhana mo sa araw na ito, kung kaya't nagkaroon ka muli ng tinatawag natin sa ingles na "blooper." Manindigan ka lamang at manampalatayang makasusulyap ka rin ng ginhawa kapagdaka.

naknamputek. ang hirap managalog ng direcho. bwiset. hahahaha. :P Happy birthday! :) trese-años ka na. :P
 
bloghop! :)
 
haha nah...I was long due for recitation hehehe
 
Post a Comment

[ the puzzled one ]

    Just another puzzle with
    its pieces still missing.

[ the pieces of my puzzle ]

[ the finished puzzles ]

September 2004 October 2004 November 2004 December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 March 2007 May 2007 June 2007 February 2013 March 2013

[ solve the puzzle ]



Blogskin Designed by: EcNeRaLx Design.. Visit my blog at www.lifepeek.blogspot.com and look at more of my skins at www.blogskins.com.. my username is ecneralx.. thanz a lot!! Enjoy this blogskin!! Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com